Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Nobyembre, 2010

Mga Tala ng Aking Buhay - ni Gregoria de Jesus

Imahe
Mga Tala ng Aking Buhay ni Gregoria de Jesus Alay kay G. Jose P. Santos na siyang humiling na sulatin ko ang aking kabuhayan. Ako'y si Gregoria de Jesus, taong tunay dito sa bayang Kalookan, lalawigan ng Rizal. Isinilang ako ng araw ng Martes, ika-9 ng Mayo ng taong 1875, sa pook na pinagbaunan ng libolibong sandatang ginamit sa himagsikan at pinagdausan din naman ng kasunduan ng mga punong naghimagsik bago lumabas ng bayan, lugar na tinatawag na Daang Baltazar noong araw at ngayo'y P. Zamora, blg. 13. Ang ama ko'y si Nicolas de Jesus, taong tunay din sa bayang ito na ang hanapbuhay ay Maestro de Obra ng Catero Carpentero at isa sa naghawak ng ilang tungkulin noong panahon ng kastila, naging teniente segundo, teniente mayor at gobernadorsilyo. Ang ina ko ay si Baltazara Alvarez Francisco na tagabayang Nobeleta, lalawigan ng Kabite, pamangkin ni Heneral Mariano Alvarez ng Magdiwang sa Kabite na siyang unang gumalaw ng himagsikan sa nasabing lalawigan. Ako'...