Katitikan ng Seremonya ng Pagtitipon ng mga Anak ng Bayan
KATITIKAN NG SEREMONYA: Pagtitipon ng mga Anak ng Bayan NAMUMUNONG KAWAL NG KARTILYA (NKK) : Mga kababayan, ating gunitain ang naunang mga dakilang kaganapan sa kasaysayan ng ating bayan, ang pagkakatatag ng Kataas-taasang Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan, ikapitong araw ng ikapitong buwan, 1892, at pagkatapos ng apat na taong matagumpay na pagsisikap ng Katipunan, na pagkaisahin ang magkakaiba at magkakalayong mga pamayanan ng tagailog sa Sangkapuluang ito ay nahinog ang batayan sa pagsisilang ng bansa. Kaya't noong Agosto 24, 1896, ang Katipunan na dati'y isang mapanghimagsik na samahan lamang ay muling itinatag bilang kaunaunahang pambansang pamahalaan na nakilala bilang "Haring Bayang Katagalugan." Sa pamumuno ng Pangulong Andres Bonifacio Maypagasa, ang mga aral ng Katipunan, laluna ang Kartilya na isinulat ni Emilio Jacinto Pingkian, ay itinaguyod na maipagpatuloy sa bagong ugnayan sa ating panahon. PANGALAWANG NAMUMUNO (PN): Mahalaga pa rin an...