Sobra na, itigil na ang pagtaas ng presyo ng kuryente!
SOBRA NA, ITIGIL NA ANG PAGTAAS NG PRESYO NG KURYENTE Mahal ang kuryente. Gusto na ng konsyumer na magmura. Sakit sa ulo ng mga Pilipino ang pagtaas ng presyo at iba pang kapalpakan sa sektor ng enerhiya - na nagmula pa noong maisabatas ang Republic Act 9136 o ang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) of 2001. Dahil sa batas na ito, napasakamay ng mga pribadong kumpanya ang sistema ng enerhiya sa bansa. Sa kagustuhan nitong kumita, napabayaang sumirit ang mga bayarin sa kuryente ng mga ordinaryong konsyumer. Habang tumataas ang mga bayarin sa kuryente, nababawasan ang panggastos ng pamilyang Pilipino at ordinaryong manggagawa. Kung gaano kadalas ang pagtaas ng singil sa kuryente, ganuon naman kadalang ang pagtaas ng sahod. Halimbawa, sa isang tahanang kumukonsumo ng 200kWh, aabot na ng P169.47 ang tinaas ng bill mula Hunyo 2021 hanggang Hulyo 2022. Para na ring ninakawan ang konsyumer ng lima hanggang anim na kilo ng bigas. Bakit ba mataas ang singil ng kuryente sa atin? 1. Mahal ...