Mga Post

Maikling paliwanag ukol sa Buwis sa Yaman (Wealth Tax)

Imahe
Inilathala natin ang "Maikling Paliwanag Ukol sa Buwis sa Yaman (Wealth Tax) na ipinamahagi sa Wealth Tax Assembly noong Hunyo 29, 2024 sa UP Integrated School. Ang nasabing pagtitipon ay pinangunahan ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) at Asian People's Movement on Debt and Development (APMDD). MAIKLING PALIWANAG UKOL SA BUWIS SA YAMAN (WEALTH TAX) Ang dapat na sistema ng pagbubuwis ay pantay at equitable. Ang Kongreso ay dapat na maglunsad ng progresibong sistema o uri ng pagbubuwis.  - Artikulo VI, Seksyon 28 (1), Saligang Batas ng 1987 Ano ang wealth tax o buwis sa yaman? Ang wealth tax ay buwis na maaaring ipataw sa yaman ng isang taxpayer at ito ay maaaring singilin mula sa kanya ayon sa market value ng mga assets o ari-arian tulad ng bahay, lupa, mga sasakyan, pera sa bangko, stocks at iba pang mga pag-aari niya na bumubuo sa kanyang kabuuang yaman. Iba ito sa income tax o buwis na ipinapataw sa kita ng isang indibidwal. Ang buwis sa kita ay ibinabawas sa mismong

Pahayag ng PLM hinggil sa 4PH

HINGGIL SA PAMBANSANG PABAHAY PARA SA  PILIPINO (4PH) PROGRAM Mula sa PLM - Partido Lakas ng Masa  August 31, 2023 [Edited September 7, 2023 to reflect correct calculations on monthly payments and other minor edits]  Kamakailan lamang ay naglabas ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ng kanilang Operations Manual na magsisilbing gabay sa pagpapatupad ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program, ang programang pabahay na isinusulong ng administrasyong Marcos Jr. Sa pakikipagtalakayan ng PLM - Partido Lakas ng Masa sa mga masa at maralitang diumano ay magiging benepisyaryo ng 4PH, lumalabas na hindi sila makikinabang dito, bagkus ay mayuyurakan pa ang kanilang karapatan sa marangal na pabahay. Ilan sa mga nakikitang problema sa 4PH ay ang mga sumusunod: 1. Sa Local Government Unit (LGU) ipinasa ng DHSUD ang implementasyon ng 4PH. Dahil dito, tiyak na ito ay mapupulitika. Ang mga pangunahing bibigyan ng pabahay ay ang mga tagasuporta ng pinuno ng LGU.

Numbers in Filipino, with ancient Baybayin script

Imahe
Numbers in Filipino with ancient Baybayin script

PhP 570 ng isang araw ni Tatay, bibilhin ng anak

Imahe
PhP570 NG ISANG ARAW NI TATAY, BIBILHIN NG ANAK ANAK : "Itay, pwede bang magtanong?" TATAY : "Oo naman, ano yun?" ANAK : "Itay, magkano po ang kinikita ninyo sa isang araw?" TATAY : "Wala kang kinalaman diyan. Bakit ka nagtatanong ng ganyan?" ANAK : "Gusto ko lang pong malaman. Pakisabi po sa akin, magkano po ang kinikita ninyo sa isang araw?" TATAY : "Kung kailangan mong malaman, kumikita ako ng PhP570 kada araw, otso oras, minimum wage." ANAK : "Ah! (At napayuko ang ulo). "Itay, maaari po bang makahiram ng PhP200?" Galit na galit ang ama. TATAY : "Kung ang tanging dahilan lang ng pagtanong mo ay para makahiram ka ng pera pambili ng kinalolokohan mong laruan o kung anu-ano pang kalokohan, dumiretso ka na sa kwarto mo at matulog. Isipin mo kung bakit ka naging makasarili. Nagtatrabaho ako at kayod ng kayod araw-araw subalit ganito ang ugali mong bata ka." Tahimik na nagtungo ang bata sa kanyang silid a

Ang guro

Imahe
ANG GURO Ito'y napakagandang kwento ng isang hindi nagpakilalang mananalaysay: Nakipag-usap sa isang matandang lalaki ang isang binata na nagtanong: "Naaalala pa po ba ninyo ako?" At ang sabi ng matanda ay hindi. Pagkatapos ay sinabi sa kanya ng binata na siya ay kanyang estudyante. At ang guro naman ang nagtanong: "Kumusta ka na? Ano nang ginagawa mo? Ano nang ginagawa mo sa buhay?" Sagot ng binata: "Naging guro po ako." "Ah, gaano kagaling, tulad ko ba?" Tanong ng matanda. "Opo. Sa katunayan po, naging guro po ako dahil naging inspirasyon kita upang maging katulad ninyo.” Napaisip ang matanda, at nagtanong sa binata kung kailan siya nagpasyang maging guro. At sinabi sa kanya ng binata ang sumusunod na kuwento: “Isang araw, pumasok ang isang kaibigan kong estudyante sa klasrum po natin. May dala siyang magandang bagong relo, na hindi naman niya isinuot sa braso. Gusto ko 'yung relo niya. Kaya ninakaw ko iyon mula sa kanyang bulsa. M

Polyeto para sa Earth Day 2023

POLYETO PARA SA EARTH DAY 2023 IPAGLABAN ANG ISANG PLANETANG NAGKAKALINGA NG BUHAY! IDEKLARA ANG CLIMATE EMERGENCY! Mula 1965 hanggang 2021 - mahigit na isang milyong (1,304,844) toneladang carbon dioxide o CO2 - tipo ng greenhouse gas na binubuga mula sa pagsusunog ng fossil fuel gaya ng Coal, LNG / Fossil Gas at Oil, naiipon at nakonsentra sa atmospera na siyang dahilan ng pag-iinit ng planeta, mula sa produksyon ng elektrisidad, pagpapatakbo ng mga industriya at transportasyon sa buong mundo. Sa loob naman ng panahong ito ay nakapagbuga ang sektor ng enerhiya sa Pilipinas ng 3,275 milyong tonelada ng CO2. Ang pandaigdigang pagbubuga ng CO2 sa enerhiya ay patuloy ang pagtaas ng 5.9% kada taon batay sa datos sa taong 2022. Patuloy ang pagtaas ng kontribusyon ng bansa sa pagbuga ng carbon dioxide. Sa katunayan, ang tantos ng Pilipinas ay umaabot sa 7.8% kada taon ang pagtaas. Katumbas nito ang kwadrilyong tonelada ng CO2 at hindi maitatangging nakapag-ambag nang malaki sa pagbabago sa

#WagGas: Salin ng Batangas Declaration

Imahe
Ang sumusunod na pahayag ay malayang isinalin mula sa wikang Ingles ng manunulat na si Gregorio V. Bituin Jr. bilang bahagi ng kampanya upang mas maunawaan pa ng sambayanan ang isyu, Sa paglulunsad ng #WagGas noong Abril 20, 2023, binasa ni Bishop Alminaza, isa sa anim na tagapagsalita, ang sumusunod na pahayag: #WagGas DEKLARASYON SA BATANGAS: NAGKAKAISANG TINDIG LABAN SA PAGPAPALAWAK NG FOSSIL GAS SA PILIPINAS Para sa Sustenableng Kinabukasan at 100% Renewable Energy para sa Lahat KAMI,  mga delegado ng Pambansang Pagtitipon ng mga Pamayanang Apektado  Fossil Gas at mga grupong sumusuporta, na kumakatawan sa mga pamayanan sa Luzon, Visayas at Mindanao; mga samahang masa at mga organisasyong di-pampamahalaan, mangingisda, kilusang sibiko at pangkapaligiran, mga organisasyon at institusyong nakabatay sa pananampalataya, mga grupo ng manggagawa, mga mamimili, kababaihan, at kabataan ay nagpapahayag: SAPAGKAT  ang Pilipinas ay isang bansang pinagkalooban ng masaganang yaman na higit pa s