Pag kusinero ka - ni Emman Bituin
"Pag kusinero ka"
Pag kusinero ka, di ka pwedeng tanga.
Maraming puma pangarap pero ilan lang ang natira,
siguro hindi nila kinaya yung mga araw na ihi lang pahinga.
May mga nagsasabing magaling sila, pero pag inorderan mo ng limang magkakaiba uma ayaw na.
Pag kusinero ka, yung ma reklamo hindi tumatagal,
minsan nga aping api ka na pero tingin nila nag iinarte ka lang.
Wala tong pinag ka iba sa mga sundalo na asa gera,
hangga't may kalaban dapat buhay ka,
kasi isang patay mo lang huhusgahan ka nila.
Wag ka mag tampo, marahas talaga sa kusina,
sa totoo lang kahit babae ka dapat may ba**g ka.
Yung birthday mo at pasko, i alay mo na sa kusina yan,
bawal ang special day mo sa mga kasama mong kusinero, tandaan mo lahat tayo naka laan sa special day ng mga tao.
Kaya kung ayaw mo magulo buhay mo, wag ka mag kusinero.
Merry Christmas everyone.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento