Kasaysayan ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas
Kasaysayan ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas ni Gregorio V. Bituin Jr. (Ang artikulo'y nalathala sa magasing Ang Masa, pahina 7-8, isyu mula Enero 16 - Pebrero 15, 2012, kasabay ng kasagsagan ng impeachment kay Chief Justice Renato Corona) nagtayo rin ng hukuman, at hukom na walang puso’t pawang utak ang pinili, sa usapi’y katauhan ng may usap ang lagi nang batayan ng pasya’t hatol: katarungang makauri; mga batas ang nagbadya: ang maysala’y lalapatan ng katapat na parusa; a, kamay ng katarungang kabilanin: isang lambat ng matandang inhustisya. aligasi’y laging huli at kawala ang apahap; ang katwira’y sa kalansing ng salapi nakukuha - mula sa tulang Mga Muog ng Uri, ni Amado V. Hernandez “at ang hustisya ay para lang sa mayaman” - mula sa awiting Tatsulok Sadya nga bang para sa mayaman ang hustisya? Kamalayang makauri nga ba ang umiiral na hustisya sa bansa? Maaaring may katotohanan ang mga ito, lalo na't susuriin natin ang mga nagana...