Talambuhay ni Huseng Sisiw
http://tagaloglang.com/Famous-Filipinos/Writers/jose-cruz-huseng-sisiw.html Jose De La Cruz (Huseng Sisiw) The following biography of Jose dela Cruz, popularly known by his pen name Huseng Sisiw, was written in Tagalog by Jose N. Sevilla y Tolentino in the early 1920s: TALAMBUHAY NI JOSE DELA CRUZ Ang pangalang itó ay bago sa mg̃a batang pandingig, nguni't sa mg̃a mawilihin sa Tuláng Tagalog ay isáng Talang nápakaliwanag. Siyá'y naging Guró ng ating Balagtás sa pagtula at lahát halos ng mg̃a binatang kanyáng kapanahón ay pawang lumuhog sa kanyá na itula ng mg̃a panambitan, liham, lowa, at mg̃a palabás dulaan na totoóng hinangaan at pinapurihan ng kanyáng mg̃a kapanahón. Sa kanyáng kabataan ay wala siyáng nádamá kungdi pawang hirap, palibhasa'y anák dukha. Ang pintuan ng Páaralan ay bahagyá na niyáng nápasok, at matangi sa págunahing pagaaral na ginampanán ng kanyáng ali at sa isáng tanging guró na nagturo sa kanyá hanggang 40 año ay walang masásabing tinuklas