Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Oktubre, 2013

TRAPO, BIMPO, EPAL, AHAS at BOPAL

TRAPO, BIMPO, EPAL, AHAS at BOPAL ni Benjo Basas, pambansang pangulo ng Teachers' Dignity Coalition (TDC) Oktubre 15, 2013  (Mula sa kanyang kolum sa Pilipino Mirror, Oktubre 2013) Ilan sa mga umuusbong na salita sa bukabolaryo ngayon sa ating bansa ay may kinalaman sa ating mga naihahalal na pinuno.  1. TRAPO o Traditional Politician- generic na katawagan sa tradisyunal na politiko. Mga pulitikong kadalasan ay mula sa malalaki at mayayamang angkan, gumagamit ng guns, goons at gold lalo kung halalan, may private army, mapanlinlang sa mamamayan at kadalasa’y sangkot sa katiwalian. Inuuna ng TRAPO ang kapakanan ng sarili at kanyang angkan kaysa paglilingkod sa bayan.  2. BIMPO o Batang Isinubo ng Magulang sa Politika- mga kabataang galing sa maimpluwensiyang pamilya na dahil sa pagtatapos ng termino ng ina, ama, kapatid, tiyuhin, tiyahin, pinsanin, lola o lolo ay tumatakbo rin sa anumang puwesto. Kung minsan nama’y dahil lamang sa kagustuhang makontrol ...