Things I hate about Filipino culture - by Jenny Linares

Things I hate about Filipino culture
by Jenny Linares

1. Tactless culture. Masabi ang gusto sabihin, di iniisip kung nakaka-offend, minsan nga sadya pang nananakit. "Tumaba ka." Ikaw din, tumaba! 

2. Pakialamera culture. Lahat na lang pinakailaman kahit wala naman sila sa buhay nung tao. "Kelan ka mag-aasawa?" "Kayo po kelan mamamatay?" "San punta?" "Sa hell, sama ka?"

3. Tsismis culture. Lahat na ikinuwento. Lahat na tinanong. Hindi ba pwedeng magtago ang ibang tao ng para sa kanila? Siraan dito. Intriga doon. Imbento dito. Imbento doon. Palengkerang kultura. 

4. Feeling Entitled. Feeling may karapatan sila sa espasyo, oras, desisyon, talambuhay, etc., etc., ng kapwa. 

5. Pa-star culture. Kahit naghihirap, makapagpasikat lang sa kapitbahay, todo-bigay. 

6. Lasenggo culture. Kahit walang makain, basta may lalaklakin. Dahilan ng pagiging dysfunctional ng maraming pamilyang Pilipino. 

7. Adik culture. Hindi lang sa droga adik, pati sa mga kultura at bisyong unique na unique sa pagiging perwisyo sa kapwa. 

8. Dedma culture. "Wala kameng pake kung maperwisyo kayo basta masaya kame." Videoke magdamag kahit sintunado. "Mamatay kayong lahat mga adik!!"

9. Tard culture. Panatiko ng kung sino-sinong politiko, madalas wala na sa lugar, wala nang sariling isip. Di nakakakilala ng tama sa mali. 

10. Judgemental at Inggit culture. Lahat na lang ng tao may isyu. Gustong ibagsak lahat. Walang gamot sa sakit na inggit. Nag-iimbento. Naninira. Nambabaliktad. Puro sarili ang gustong iangat. 

11. Super Exaggerated Family Love. Extended hanggang sa kaapu-apuhan sa talampakan ang pagmamahal at pakialam, kahit inaabuso na, sige lang. Walang self-love at independence. 

12. Kulto culture. Madaling mabola ng mga fake churches at fake prophets, kahit ginagatasan lang, sige lang. 

13. Showbiz bakya culture. Lahat gustong mag-artista. Sunod sa lahat ng mauso, bandwagon, mainstream. Wala nang lalim.

14. Malandi culture. Pangarap makapag-asawa ng pogi o maganda kahit panget sila o kaya ng mayaman. Walang prudence at walang pakialam, papatulan sinuman. Malilibog kahit walang alam kung paano mabuhay. Puro kamalasan ang turn-out ng talambuhay.

15. Talentado culture. Magaling tayo sa lahat. Singing, dancing, acting, making up illusions, magic, pati sa krimen at lahat ng klaseng kalokohan, hanggang kurapsyon at patayan--pang-world class talaga!

In 2018, how do we improve or revive our culture?

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Mga Halimbawa ng Bulong

Mga Tala ng Aking Buhay - ni Gregoria de Jesus

Differences between Metro Manila, Greater Manila and Mega Manila