Pahayag mula sa "Mga lokal na samahan sa Syudad ng Navotas"
ANONG PROYEKTO ANG ITATAYO SA NAVOTAS COASTAL BAY RECLAMATION? Noong Oktubre 9, 2020, nagkaroon ng public hearing ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ukol sa P57.4 billion reclamation ng 576.7 hectare area sa baybayin ng Brgy. Tanza 1 and 2. Ang layunin daw ng reclamation project ay gawing "major seaport" ang Navotas sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga imprastraktura at samutsaring negosyo na magdadala ng magandang kabuhayan at pag-unlad sa mga mamamayan ng Navotas. Gagawan din daw ng mahabang highway na idudugtong ang Navotas sa tinatayong New Manila International Airport ng San Miguel Corporation (SMC) ni Ramon Ang. Ngunit noong Disyembre 2021, natuklasan na lang ng publiko na may ibang balak si Ramon Ang sa reclamation project. Kaysa mga bagong industriya at negosyo ang itatayo, ang plano ng SMC ngayon ay magtayo ng dambuhalang "Liquified Natural Gas Power Plant" na may kapasidad lumikha ng 6.492 MW (megawatt) ng kuryente. Sa laki ng plantang ito, sasakupin nito an...