Polyeto ng Unyon ng J&T - mula sa AGLO
ANO ANG KAILANGANG MABATID NG MGA MANGGAGAWA NG J&T EXPRESS SA SAPILITANG PAGPAPAPIRMA NG MANAGEMENT? Sa huling mga buwan naranasan ng mga manggagawa ng J&T Express sa buong NCR ang sunod-sunod na pang-aalipusta ng management. Binawasan ang ating gas allowance. Tinanggal ang O.T. Pati ang regular na pagbigay ng packing tape at kapote ay itinigil na nila. Nakapagtataka bakit pinagkakait ng management ang lahat ng benepisyong ito sa kabila ng patuloy na paglago ng J&T hindi lang sa NCR kundi sa buong Pilipinas sa panahon ng pandemya. Ngayon naman, halos lahat ng driver, rider, sorter, at supervisor ay sapilitang pinapapirma ng management sa mga dokumento kung saan nakasaad na ililipat na raw tayong lahat sa bagong kumpanya. Ayon sa management, kikilalanin pa rin ng bagong "employer" ang length of service natin at wala raw magbabago sa ating kasalukuyang sahod at benepisyo. Wala raw masamang mangyayari kung pumirma tayo. Kung ganoon nga, bakit ayaw tayo bigyan ng bag...