Liham sa Pangulo - Itigil ang Kaliwa Dam
ITIGIL ANG KALIWA DAM Ipaglaban ang Buhay at Kabuhayan, Sagipin ang Sierra Madre, Iligtas ang Pilipinas sa Utang Alay-Lakad Laban sa Kaliwa Dam Pebrero 15-23, 2023 Gen. Nakar, Quezon - MalacaƱang Pebrero 13, 2023 KGG. Ferdinand Marcos, Jr. Pangulo Republika ng Pilipinas Palasyo ng Malakanyang Mahal na Pangulo, Kami po ang mga Katutubong Dumagat-Remontadong direktang apektado ng itatayong dambuhalang Kaliwa Dam. Kami po ang mga pamayanang ilulubog (Makid-ata, 43 pamilya, Daraitan, 1,261 pamilya), iigahan (Yokyok, 52 pamilya), at papataging lugar (Baykuran, 47 pamilya) na may kabuuang mahigit na animnalibong populasyon at mahigit 1,400 pamilya. Kasama namin ang iba pang mga pamayanang Dumagat-Remontado sa General Nakar, Quezon at Tanay, Rizal na may-ari ng kabuuang 188,308 ektaryang lupaing ninuno na may dalawang Certificate of Ancestral Domain Titles, CADT No. R04-NAK-1208-097 (Nakar) at CADT No. R04-TAN-0709-130 (Tanay) na kinilala ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP). S...