Maikling paliwanag ukol sa Buwis sa Yaman (Wealth Tax)
Inilathala natin ang "Maikling Paliwanag Ukol sa Buwis sa Yaman (Wealth Tax) na ipinamahagi sa Wealth Tax Assembly noong Hunyo 29, 2024 sa UP Integrated School. Ang nasabing pagtitipon ay pinangunahan ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) at Asian People's Movement on Debt and Development (APMDD). MAIKLING PALIWANAG UKOL SA BUWIS SA YAMAN (WEALTH TAX) Ang dapat na sistema ng pagbubuwis ay pantay at equitable. Ang Kongreso ay dapat na maglunsad ng progresibong sistema o uri ng pagbubuwis. - Artikulo VI, Seksyon 28 (1), Saligang Batas ng 1987 Ano ang wealth tax o buwis sa yaman? Ang wealth tax ay buwis na maaaring ipataw sa yaman ng isang taxpayer at ito ay maaaring singilin mula sa kanya ayon sa market value ng mga assets o ari-arian tulad ng bahay, lupa, mga sasakyan, pera sa bangko, stocks at iba pang mga pag-aari niya na bumubuo sa kanyang kabuuang yaman. Iba ito sa income tax o buwis na ipinapataw sa kita ng isang indibidwal. Ang buwis sa kita ay ibinabawas sa mismong...