Anong kahulugan ng NALULUGI? - by Kuya Jhuly

mula sa https://www.facebook.com/notes/kuya-jhuly/anong-kahulugan-ng-nalulugi/10151738792206249

Anong kahulugan ng NALULUGI?

Disyembre 3, 2013 sa ganap na 10:23 AM
Pareho ba ang language na ginagamit ng mayayaman at lenguwahe ng masa?

Ano ba ang kahulugan ng LUGI sa mayayaman at ano ba ang kahulugan ng LUGI sa masa?

December 2013 article


August 2013 article

Dahil hindi ko maunawaan ang kanilang ginagamit na batayan sa pagsasabi ng sila ay nalulugi... tinatanggap ko na lang kung ano man ang sabihin nila... kung nalulugi sila eh di nalulugi... malay ko ba sa mga stocks stocks na yan... stockings lang ang alam ko...

Ito rin ang dahilan kung bakit hindi ko na rin napapansin kung hinahabol pa ng gobyerno ang tulad ni Lucio Tan tungkol sa Tax Evasion...punyemas nila... magsama-sama sila diba... care ko kung habulin at maparusahan pa siya...

Hindi ko na nga sila maunawaan babantayan ko pa kung hinahabol sila ng gobyerno sa mga pagnanakaw nila sa kaban ng bayan... waste of time... mas sisikat pa ako kung mag-post ako ng hoax lang pagkamatay ni Paul Walker tapos namatay talaga tapos hoax nga ba o namatay... kahit nagmumuka akong hindi gumagamit ng google eh nakakasabay naman ako sa uso diba...

Mabuti rin sana kung si Pacquiao siya na sikat baka puwede ko pang ipagtanggol yung pag-evade niya sa Tax kasi hindi naman niya ninakaw yung pera... nabasag pa nga mukha niya sa mga milyones niya eh...

Ipagtatanggol ko rin yung pagiging epal niya kasi namimigay siya ng Relief na nakabalandra yung kanyang mukha sa mga tarpaulin... at least si Pacquiao hindi ninakaw yung mga pinamimigay niya... may karapatan siya na umepal...

Ang hindi magnanakaw puwede umepal at umiwas sa tax...teka... si Lucio Tan may Tax Exemption rin ba... hmmmm...

Wala ata... meron siya Tax Refund...


Ang mga ordinaryon manggagawa na tulad ko na hindi naman magnanakaw puwede rin ba akong umepal o hindi magbayad ng buwis o magkaroon ng tax refund?

Sana puwede na tayong lahat ay tax exempted... yung mga milyonaryo na lang ang magbayad ng buwis...

Sa totoo lang naman sa mga manggagawa naman naggaling yang mga milyones nila... sa mga manggagawa nila sa mga kumpanya nila... galing rin ang yaman nila sa mga mamimili... sa mga driver at mananakay... street vendors... lahat ng mga nasa informal economy sector... pumipirma lang ata sila eh...

Uulitin ko... hindi ko alam ang sagot sa tanong ko at wala rin akong paki-alam... basta ang mahalaga nagtratrabaho ako para mabuhay ang pamilya ko... wala akong paki-alam sa kanila... period... isa pa... nakatutulong ako sa bayan sa pagbabayad ng buwis... patriotic ata itesh!

... azarkazamboom!

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Mga Halimbawa ng Bulong

Mga Tala ng Aking Buhay - ni Gregoria de Jesus

Differences between Metro Manila, Greater Manila and Mega Manila