Internationale - Pandaigdigang Awit ng Manggagawa

INTERNATIONALE
(PANDAIGDIGANG AWIT NG MANGGAGAWA)

Eugene Potier - Kompositor
Peter Degeyter - Musika
Leonardo Santos - Malayang Salin sa Filipino

Bangon sa pagkakagupiling
Bangon ka uring alipin
Sa daigdig iyong sikapin
Sosyalismo'y tanghalin

Halina at ating usigin
Laya nating sinisiil
Buhay, dugo ay puhunanin
Tanikala ay lagutin

KORO:
Ito'y huling paglalaban
Tunay na kalayaan
Ng manggagawa
Sa buong daigdigan
(ulitin ang koro)

Wala tayong maaasahan
Lingap sa mga gahaman
Kaya tayo'y magbagong buhay
Hirap nati'y lunasan

Manggagawa, huwag mong tulutan
Apihin ka habang buhay
Hanapin mo ang kalayaan
Panlulupig ay wakasan.

(Ulitin ang koro ng 2 beses)

* Sinipi mula sa pahina 32 ng souvenir program ng PKP 1930 sa kanilang ika-70 anibersaryo, Nobyembre 7, 2000.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Mga Halimbawa ng Bulong

Mga Tala ng Aking Buhay - ni Gregoria de Jesus

Differences between Metro Manila, Greater Manila and Mega Manila