Mga empleyado ng St. Luke's Medical Center sa BGC, nakatakdang magwelga
Press Release 26 September 2019 MGA EMPLEYADO NG ST. LUKE'S MEDICAL CENTER SA BGC, NAKATAKDANG MAGWELGA Nagtungo ngayon sa tanggapan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga kinatawan ng St. Luke's Medical Center (BGC) Employees Union - Independent upang magsumite ng Notice of Strike laban sa management ng Ospital. Bunsod ito ng pagbalewala ng pamunuan ng St. Luke's sa kautusan ng DOLE para sa pagdaraos ng Certification Election (CE) upang pagpilian ng mga empleyado ang kanilang kinatawan sa Collective Bargaining Negotiation. "Ang kalayaan naming mga empleyado na maghalal ng union na kakatawan sa aming interes bilang mga manggagawa ay niyurakan at nilabag ng management ng St. Luke's nang piliin nitong makipag-negotiate sa Alliance of Filipino Workers (AFW) sa kabila ng malinaw na isinasaad ng batas na hindi ito maaaring gawin kung may petisyon para sa pagdaraos ng isang CE," paliwanag ni Sherwin Miscosa, tagapangulo ng unyon. Naglabas ang DOLE sa p...