Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Nobyembre, 2026

Katapusang Hibik Ng Pilipinas - tula ni Gat Andres Bonifacio

Katapusang Hibik Ng Pilipinas Tula ni Gat Andres Bonifacio Sumikat na, Ina sa sinisilangan Ang araw ng poot ng Katagalugan, Tatlong daang taong aming iningatan sa dagat ng dusa ng karalitaan. Walang isinuway kaming iyong anak sa bagyong masasal ng dalita't hirap, Iisa ang puso nitong Pilipinas at ikaw ay di na Ina naming lahat. Sa kapuwa Ina'y wala kang kaparis Ang layaw ng anak: dalita't pasakit; pag nagpatirapang sa iyo'y humibik, lunas na gamot mo ay kasakit-sakit. Gapusing mahigpit ang mga Tagalog; hinain sa sikad, kulata at suntok makinahi't ibiting parang isang hayop ito baga, Ina, ang iyong pag-irog? Ipabilanggo mo't sa dagat itapon barilin, lasunin, nang kami'y malipol. sa aming Tagalog, ito baga'y hatol Inang mahabagin, sa lahat ng kampon. Aming tinitiis hanggang sa mamatay bangkay nang mistula'y ayaw pang tigilan, kaya kung ihulog sa mga libingan, linsad na ang buto't lumuray ang laman. Wala nang namamana itong Pilipinas na layaw sa Ina...

Hibik ng Pilipinas sa Inang Espanya - tula ni Hermenegildo Flores

Hibik ng Pilipinas sa Inang Espanya Tula ni Hermenegildo Flores Inang mapag-ampon, Espanyang marilag, nasaan ang iyong pagtingin sa anak? akong iyong bunsong abang Pilipinas tingni't sa dalita’y di na makaiwas. Ang mga anak kong sa iyo’y gumigiliw, sa pagmamalasakit ng dahil sa akin; ngayo’y inuusig at di pagitawin ng mga prayleng kaaway mong lihim. Sa bawat nasa mong kagaling-galingan, ayaw ng prayleng ako’y makinabang, sa mga anak ko’y ang ibig lamang isip ay bulagin, ang bibig ay takpan. Nang di maisigaw ang santong matuwid na laban sa madla nilang ninanais palibhasa'y wala silang iniisip kundi ang yumaman at magdaya ng dibdib. Sa pagpapalago ng kanilang yaman bendita't bendisyon lamang ang puhunan, induluhensiya't iba't ibang bahay ng mga sagrado naman ang kalakal. Sapagkat anumang bilhin sa kanila, kaya namamahal, dahil sa bendita, kahit anong gawin pag may halong kanta ay higit sa pagod ang hininging upa. Ibig ng simbaha't kumbentong marikit organo't k...