PhP 570 ng isang araw ni Tatay, bibilhin ng anak
PhP570 NG ISANG ARAW NI TATAY, BIBILHIN NG ANAK ANAK : "Itay, pwede bang magtanong?" TATAY : "Oo naman, ano yun?" ANAK : "Itay, magkano po ang kinikita ninyo sa isang araw?" TATAY : "Wala kang kinalaman diyan. Bakit ka nagtatanong ng ganyan?" ANAK : "Gusto ko lang pong malaman. Pakisabi po sa akin, magkano po ang kinikita ninyo sa isang araw?" TATAY : "Kung kailangan mong malaman, kumikita ako ng PhP570 kada araw, otso oras, minimum wage." ANAK : "Ah! (At napayuko ang ulo). "Itay, maaari po bang makahiram ng PhP200?" Galit na galit ang ama. TATAY : "Kung ang tanging dahilan lang ng pagtanong mo ay para makahiram ka ng pera pambili ng kinalolokohan mong laruan o kung anu-ano pang kalokohan, dumiretso ka na sa kwarto mo at matulog. Isipin mo kung bakit ka naging makasarili. Nagtatrabaho ako at kayod ng kayod araw-araw subalit ganito ang ugali mong bata ka." Tahimik na nagtungo ang bata sa kanyang silid a...