PhP 570 ng isang araw ni Tatay, bibilhin ng anak



PhP570 NG ISANG ARAW NI TATAY, BIBILHIN NG ANAK

ANAK: "Itay, pwede bang magtanong?"

TATAY: "Oo naman, ano yun?"

ANAK: "Itay, magkano po ang kinikita ninyo sa isang araw?"

TATAY: "Wala kang kinalaman diyan. Bakit ka nagtatanong ng ganyan?"

ANAK: "Gusto ko lang pong malaman. Pakisabi po sa akin, magkano po ang kinikita ninyo sa isang araw?"

TATAY: "Kung kailangan mong malaman, kumikita ako ng PhP570 kada araw, otso oras, minimum wage."

ANAK: "Ah! (At napayuko ang ulo). "Itay, maaari po bang makahiram ng PhP200?"

Galit na galit ang ama.

TATAY: "Kung ang tanging dahilan lang ng pagtanong mo ay para makahiram ka ng pera pambili ng kinalolokohan mong laruan o kung anu-ano pang kalokohan, dumiretso ka na sa kwarto mo at matulog. Isipin mo kung bakit ka naging makasarili. Nagtatrabaho ako at kayod ng kayod araw-araw subalit ganito ang ugali mong bata ka."

Tahimik na nagtungo ang bata sa kanyang silid at isinara ang pinto.

Umupo ang tatay at nagsimulang magalit sa mga tanong ng anak. Bakit siya magtatanong ng ganoon para lang makahiram ng pera?

Pagkaraan ng halos isang oras o higit pa, ang lalaki ay huminahon, at nagsimulang mag-isip: Baka may kailangan talaga siyang bilhin gamit ang PhP200 na iyon at hindi naman siya madalas humingi ng pera. Pumunta ang lalaki sa pintuan ng kwarto ng batang lalaki at binuksan ang pinto.

TATAY: "Tulog ka na ba, anak?"

ANAK: "Hindi pa po Itay, gising na po ako".

TATAY: "Iniisip ko, baka masyado akong naging matigas sa iyo kanina. Isang mahabang araw na ang lumipas at nag-aalala na ako sa iyo. Eto yung PhP200 na hinihiram mo."

Umupo ng tuwid ang batang lalaki, nakangiti.

ANAK: "Ay, salamat Itay!"

Pagkatapos, kinuha ng anak sa ilalim ng kanyang unan ang ilang gusot na mga perang papel. Nakita ng lalaki na may pera na ang bata, muling nagalit. Dahan-dahang binilang ng batang lalaki ang kanyang pera, at saka tumingala sa kanyang ama.

TATAY: "Bakit gusto mo pa ng pera kung meron ka na?"

ANAK: "Dahil wala akong sapat, ngunit ngayon ay mayroon na ako.

"Itay, may PhP570 na ako. Pwede ba akong bumili ng isang araw mo? Umuwi ka na lang ng maaga bukas. Nais kitang makasama kahit isang araw lang po."

Nadurog ang puso ng ama. Niyakap niya ang kanyang munting anak, at humingi siya ng tawad. Ito ay isang maikling paalala lamang sa inyong lahat na nagsusumikap sa buhay.

Hindi natin dapat hayaang dumaan ang oras sa ating mga daliri nang hindi gumugugol ng ilang oras sa mga taong talagang mahalaga sa atin, sa mga malapit sa ating puso.

Akda ng di kilalang awtor

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Mga Halimbawa ng Bulong

Mga Tala ng Aking Buhay - ni Gregoria de Jesus

Differences between Metro Manila, Greater Manila and Mega Manila