Ang guro

ANG GURO

Ito'y napakagandang kwento ng isang hindi nagpakilalang mananalaysay:

Nakipag-usap sa isang matandang lalaki ang isang binata na nagtanong:

"Naaalala pa po ba ninyo ako?"

At ang sabi ng matanda ay hindi. Pagkatapos ay sinabi sa kanya ng binata na siya ay kanyang estudyante. At ang guro naman ang nagtanong:

"Kumusta ka na? Ano nang ginagawa mo? Ano nang ginagawa mo sa buhay?"

Sagot ng binata: "Naging guro po ako."

"Ah, gaano kagaling, tulad ko ba?" Tanong ng matanda.

"Opo. Sa katunayan po, naging guro po ako dahil naging inspirasyon kita upang maging katulad ninyo.”

Napaisip ang matanda, at nagtanong sa binata kung kailan siya nagpasyang maging guro. At sinabi sa kanya ng binata ang sumusunod na kuwento:

“Isang araw, pumasok ang isang kaibigan kong estudyante sa klasrum po natin. May dala siyang magandang bagong relo, na hindi naman niya isinuot sa braso. Gusto ko 'yung relo niya. Kaya ninakaw ko iyon mula sa kanyang bulsa.

Maya-maya, napansin ng kaibigan ko na nawawala ang kanyang relo at agad itong nagreklamo sa aming guro. Kayo po iyon.

Pagkatapos ay hinarap mo ang buong klase at nagsabing, ‘Ang relo ng estudyanteng kaklase ninyo ay ninakaw ngayon. Kung sino man ang nagnakaw nito, pakibalik ito.’

Hindi ko ibinalik dahil ayoko. At mapapahiya ako.

Isinara mo ang pinto at sinabihan kaming lahat na tumayo at bumuo ng bilog. Dahil isa-isa mong kakapkapan ang aming bulsa hanggang sa matagpuan ang relo.

Gayunpaman, sinabi mo sa amin na ipikit ang aming mata, dahil hahanapin mo lamang ang relo niyang nawawala kung lahat kami ay nakapikit.

Tumalima naman kami sa inyong sinabi.

Kinapa mo ang bulsa namin habang nakabilog, at nang makapa po ninyo ang aking bulsa, nakita mo ang relo at kinuha ito. Patuloy mong kinapa ang bulsa ng lahat, at nang tapos ka na ay saka mo sinabing 'Buksan na ninyo ang inyong mga mata. Natagpuan ko na ang relo.'

Hindi po ninyo ako tinanong bakit kinuha ko ang relo, at wala kayong nabanggit ang pangyayari. Hindi rin po ninyo sinabi kung sino ang nagnakaw ng relo. Sa araw na iyon ay iniligtas mo ang aking dignidad magpakailanman. Ito na ang pinaka-nakakahiyang araw ng buhay ko.

Subalit ito rin ang araw na napagdesisyunan kong huwag nang  magnakaw, o maging masamang tao, atbp. Wala kang sinabi, ni hindi mo man lang ako pinagalitan o isinantabi upang sermunan ako o pagalitan sa aking ginawa. Malinaw ko pong natanggap at naunawaan ang inyong mensahe.

Maraming salamat po sa inyo, aking guro. Naunawaan ko na po kung ano ang kailangang gawin ng isang tunay na tagapagturo.

Naaalala po ba ninyo ang pangyayaring ito, propesor?

Sumagot ang matandang propesor, ‘Oo, naaalala ko ang sitwasyon sa ninakaw na relo, na hinahanap ko sa bulsa ng lahat. Hindi kita naalala, kasi nakapikit din ako habang kinakapkapan ko kayo.’

Ito ang kakanyahan ng pagtuturo:

Kung hindi mo maitatama ang mga bagay na nakakahiya, hindi ka marunong magturo."

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Mga Halimbawa ng Bulong

Mga Tala ng Aking Buhay - ni Gregoria de Jesus

Differences between Metro Manila, Greater Manila and Mega Manila