Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Setyembre, 2023

Testamento ng Partido Lakas Masa - Urban Poor Committee Hinggil sa Pabahay ng Maralitang Lungsod

Testamento ng Partido Lakas Masa - Urban Poor Committee Hinggil sa Pabahay ng Maralitang Lungsod Panimula Ang pabahay ng maralitang tagalungsod ay isang palaging kritikal na usapin sa bansa magmula pa nang naitayo ang Republika ng Pilipinas dahil sa kawalan ng tirahan ng mga naapektuhan ng World War 2. Palagi na lang pangunahing programa ng gobyerno at pangako ng mga gustong umupo sa gobyerno ang usaping pabahay. Ang mga walang bahay (homeless) ay lalong lumulobo kada pagpapalit ng administrasyon na ipinapakita lang na hindi sinsero ang mga umuupo sa gobyerno na solusyonan ang pagdami ng walang sariling masisilungan at ang bahay na pinapangako ay nananatiling dibuho na lang sa mga homeless at underprivileged citizens. Sa ngayon sa BBM Administration ay umabot na sa 6.8 million ang housing backlog sa projection ng gobyerno na kailangang itayo ang  mga pabahay na pribado at publiko. Sa estimate ng PSA ay umaabot ng 3.7 million ang bilang ng ISF na mga nakatira sa mga delikadong lugar...

Pahayag ng PLM hinggil sa 4PH

HINGGIL SA PAMBANSANG PABAHAY PARA SA  PILIPINO (4PH) PROGRAM Mula sa PLM - Partido Lakas ng Masa  August 31, 2023 [Edited September 7, 2023 to reflect correct calculations on monthly payments and other minor edits]  Kamakailan lamang ay naglabas ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ng kanilang Operations Manual na magsisilbing gabay sa pagpapatupad ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program, ang programang pabahay na isinusulong ng administrasyong Marcos Jr. Sa pakikipagtalakayan ng PLM - Partido Lakas ng Masa sa mga masa at maralitang diumano ay magiging benepisyaryo ng 4PH, lumalabas na hindi sila makikinabang dito, bagkus ay mayuyurakan pa ang kanilang karapatan sa marangal na pabahay. Ilan sa mga nakikitang problema sa 4PH ay ang mga sumusunod: 1. Sa Local Government Unit (LGU) ipinasa ng DHSUD ang implementasyon ng 4PH. Dahil dito, tiyak na ito ay mapupulitika. Ang mga pangunahing bibigyan ng pabahay ay ang mga tagasuporta ng p...