Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2025

Kung Tuyo Na ang Luha Mo, Aking Bayan ni national artist for literature Ka Amado V. Hernandez

Imahe
Ngayong Hunyo 12, Araw daw ng "Kalayaan", basahin natin ang tulang Kung Tuyo Na ang Luha Mo, Aking Bayan ni national artist for literature Ka Amado V. Hernandez KUNG TUYO NA ANG LUHA MO, AKING BAYAN  Amado V.  Hernandez Lumuha ka, aking Bayan; buong lungkot mong iluha Ang kawawang kapalaran ng lupain mong kawawa: Ang bandilang sagisag mo’y lukob ng dayong bandila, Pati wikang minana mo’y busabos ng ibang wika, Ganito ring araw nang agawan ka ng laya, Labintatlo ng Agosto nang saklutin ang Maynila, Lumuha ka, habang sila ay palalong nagdiriwang, Sa libingan ng maliit, ang malaki’y may libingan; Katulad mo ay si Huli, naaliping bayad-utang, Katulad mo ay si Sisa, binaliw ng kahirapan; Walang lakas na magtanggol, walang tapang na lumaban, Tumataghoy, kung paslangin; tumatangis, kung nakawan! Iluha mo ang sambuntong kasawiang nagtalakop Na sa iyo’y pampahirap, sa banyaga’y pampalusog: Ang lahat mong kayamana’y kamal-kamal na naubos, Ang lahat mong kalayaa’y sabay-sabay na natapos...