SA IKAAPAT NA SONA NI BBM WAKASAN ang "BULOK na Pilipinas' ITAKWIL ang REHIMENG MARCOS JR. Ikaapat na SONA ni BBM sa darating na Hulyo 28, 2025. Tatlong taon na rin bigo ang mga pangako ng 'BAGONG PILIPINAS'. Mahigit dalawang taon na lang ang nalalabi sa rehimeng BBM at ni isang larawan ng pagbabago ay wala pang nalalasap ang masang Pilipino. Hindi lang bigo ang rehimeng BBM sa kanyang pangako kundi 'BULOK na Pilipinas' ang hatid nito na panunungkulan sa... 'Bulok na Pilipinas' dahil mataas pa rin ang presyo ng mga bilihin at batayang serbisyo habang patuloy na barat at hindi sapat ang sahod ng mga manggagawang Pilipino. Aabot sa 2% ang inflation rate ng bansa, tumataas ng 2% ang presyo ng lahat ng mga batayang pangangailangan sa bansa. Tampok ang presyo ng bigas na nananatiling P41/kilo. Pati ang presyo ng gulay, isda, karne, maging presyo ng kuryente, krudo at tubig ay patuloy sa pagsirit. Habang ang sahod sa kabila ng barya-baryang umento ay hindi ka...