Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Agosto, 2017

Sina Malakas at Maganda

Imahe
SINA MALAKAS AT MAGANDA Kwentong Bayan Noong unang panahon, ang tahanan ni Bathala ay di masukat na kalawakan. Naging malungkutin si Bathala sapagkat wala Siyang makita at marinig. Hanggang Kanyang iniwasiwas ang kamay at itinurong pababa. Lumitaw ang daigdig o sangkalupaan. Nilikha niya ang araw na napakaliwanag na ang apoy ay kulay ginto at ang kalangitan ay napapalamutian ng mabubusilak na ulap. Sa kabila ng daigdig ay naroon ang buwan habang kukuti-kutitap ang di mabilang na mga bituin. Ang daigdig ay di lamang kalupaan kundi nalalang din katubigan kung saan naninirahan ang mga isda at iba pang buhay sa dagat. Nagkaroon din ng mga ilog at batis na napakalinaw ng tubig. Sa kalupaan naman ay sumibol ang mga puno, halaman, bulaklak, kawayan, at samutsaring hayop. Nagliparan naman sa papawirin ang iba't ibang uri ng ibon. Isang araw, ginalugad ng isang malaking ibon, ang haribon, habang nakasunod ang ilang kalapati, uwak, tagak, at iba pang maliliit na ibon, ang papawirin. Nakarati...