Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2019

Sa alaala ni Kian Delos Santos

Imahe
SA ALAALA NI KIAN DELOS SANTOS Sa alaala ni Kian Delos Santos, 17 taong gulang, na naging biktima ng extrajudicial killing noong Agosto 16, 2017 sa Brgy. 160, Caloocan City. Si Kian ay pinaslang sa araw ng kapistahan ni San Roque, Patron ng Diocese of Kalookan. Isa lamang siya sa 81 katao na pinatay sa loob ng apat na araw (Agosto 15-18, 2017) sa Kalakhang Maynila. Ayon sa talaan, libu-libo na ang mga mamamayang naging biktima ng patuloy na itinataguyod na giyera sa ilegal na droga ng kasalukuyang pamahalaan. Ang marahas at abusadong pamamaraan na ito ay taliwas sa pananampalatayang Kristyano ukol sa dangal ng buhay ng tao bilang nilikhang kalarawan ng Diyos. Nawa ang panandang ito ay magsilbing alaala sa mga buhay na pinaslang, mga asawang nabalo at mga anak na naulila. Nawa'y antigin ng Diyos ang budhi ng mga nasa kapangyarihan upang matigil na ang pagpatay, masimulan na ang paghilom ng mga kababayang biktima ng adiksyon sa droga, at makamtan ang tunay na katarungan para sa lahat...

Kasaysayan ng APOLA

Imahe
Kung babalikan natin ang kasaysayan, may Presidential Proclamation Blg. 704 ang Lupang Arenda sa panahon ni dating pangulong Fidel V. Ramos. Subalit binawi ito sa panahon ni dating Pangulong Arroyo sa pamamagitan ng Executive Order No. 854 na nilagdaan noong Disyembre 4, 2009, kung saan ang pamagat ng batas na ito'y "Revoking Proclamation No. 704, S. 1995 and Proclamation No. 1160, S. 2006, and Establishing a Task Force to Formulate and Implement a Comprehensive Rehabilitation Plan for the Napindan Channel, Lupang Arenda and Manggahan Floodway". Sa ngayon, ang APOLA, na binubuo ng maraming lokal na samahan, ang tanging organisasyong nagsusulong ng katiyakan sa paninirahan sa Lupang Arenda, katuwang at sa tulong ng mga pambansang ahensya ng pamahalaan, mula sa banta ng demolisyon at ebiksyon, dulot ng EO 854. Patuloy ang APOLA sa pakikipaglaban upang matiyak ang pananatili ng mga nakatira sa Lupang Arenda upang dito'y patuloy na manirahan nang may katiyakan sa paninira...

Do not cheat!

Imahe