Kasaysayan ng APOLA

Kung babalikan natin ang kasaysayan, may Presidential Proclamation Blg. 704 ang Lupang Arenda sa panahon ni dating pangulong Fidel V. Ramos. Subalit binawi ito sa panahon ni dating Pangulong Arroyo sa pamamagitan ng Executive Order No. 854 na nilagdaan noong Disyembre 4, 2009, kung saan ang pamagat ng batas na ito'y "Revoking Proclamation No. 704, S. 1995 and Proclamation No. 1160, S. 2006, and Establishing a Task Force to Formulate and Implement a Comprehensive Rehabilitation Plan for the Napindan Channel, Lupang Arenda and Manggahan Floodway". Sa ngayon, ang APOLA, na binubuo ng maraming lokal na samahan, ang tanging organisasyong nagsusulong ng katiyakan sa paninirahan sa Lupang Arenda, katuwang at sa tulong ng mga pambansang ahensya ng pamahalaan, mula sa banta ng demolisyon at ebiksyon, dulot ng EO 854. Patuloy ang APOLA sa pakikipaglaban upang matiyak ang pananatili ng mga nakatira sa Lupang Arenda upang dito'y patuloy na manirahan nang may katiyakan sa paninira...