Posisyon ng No Burn Pilipinas (NBP) ukol sa Proposed Guidelines on use of Waste-to-Energy Technology / Facility ng DENR

Posisyon ng No Burn Pilipinas (NBP) ukol sa Proposed Guidelines on the use of Waste-to-Energy Technology / Facility ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Ayon sa proklamasyon ni Pangulong Duterte sa kanyang inaugural speech (unang SONA), dapat isaalang-alang ng bansa ang paggamit ng teknolohiyang waste-to-energy upang matugunan ang matagal na nating problema pagdating sa basura o municipal solid waste at siya na rin ang nagsabing upang makatulong sa produksyon ng enerhiya. Alinsunod dito, maglalabas ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng mga alituntunin sa paggamit ng waste-to-energy at sa pamamagitan nito, muling binubuhay ng ahensya ang posibilidad ng malawakang pagsunog ng basura (waste incineration) sa ating bansa. Nabalitaan namin sa NBP na tapos na ang pagbuo ng nasabing "guidelines" at hinihintay na lamang na aprubahan at pirmahan ito ni DENR Secretary Roy Cimatu. Ito'y sanhi ng aming lubos na pagkabahala at pagkadismaya. ...