Testamento ng Partido Lakas Masa - Urban Poor Committee Hinggil sa Pabahay ng Maralitang Lungsod
Testamento ng Partido Lakas Masa - Urban Poor Committee Hinggil sa Pabahay ng Maralitang Lungsod Panimula Ang pabahay ng maralitang tagalungsod ay isang palaging kritikal na usapin sa bansa magmula pa nang naitayo ang Republika ng Pilipinas dahil sa kawalan ng tirahan ng mga naapektuhan ng World War 2. Palagi na lang pangunahing programa ng gobyerno at pangako ng mga gustong umupo sa gobyerno ang usaping pabahay. Ang mga walang bahay (homeless) ay lalong lumulobo kada pagpapalit ng administrasyon na ipinapakita lang na hindi sinsero ang mga umuupo sa gobyerno na solusyonan ang pagdami ng walang sariling masisilungan at ang bahay na pinapangako ay nananatiling dibuho na lang sa mga homeless at underprivileged citizens. Sa ngayon sa BBM Administration ay umabot na sa 6.8 million ang housing backlog sa projection ng gobyerno na kailangang itayo ang mga pabahay na pribado at publiko. Sa estimate ng PSA ay umaabot ng 3.7 million ang bilang ng ISF na mga nakatira sa mga delikadong lugar...