Pahayag ng publikasyong Taliba ng Maralita upang italagang opisyal na tagasalin ng batas ng bansa ang KWF

PAHAYAG NG PUBLIKASYONG TALIBA NG MARALITA Hulyo 3, 2023 ISALIN NG KWF SA SARILING WIKA ANG MGA BATAS UPANG MAUNAWA NG MASA Tayo lamang yata ang bansang halos lahat ng dokumento ay nasa wikang Ingles. Iyan may ay birth certificate, baptismal certificate, kumpil, marriage certificate, death certificate, pagsali sa PhilHealth, SSS, GSIS, drivers license, application form upang makapagtrabaho, at marami pang iba. Lalo na ang mga batas na nakakaapekto sa mamamayan. Tulad na lang sa maralita, may Republic Act No. 7279 o Urban Development and Housing Act, Labor Code para sa manggagawa, Magna Carta of the Poor (Republic Act No. 11291), Safety Spaces Act (Bawal Bastos Law), o kahit ang Konstitusyon ng Pilipinas ng 1987. Bakit pulos nasa wikang Ingles? Gayong maraming Pilipino, na bagamat dinaanan sa eskwelahan ang wikang Ingles, ay mas nais pa ring maisalin sa wikang Filipino ang mga batas na nakakaapekto sa kanila. Bakit? Dahil bihirang gamitin sa karaniwang pag-uusap o sa talastasan ang...