Mga Post

Posisyon ng No Burn Pilipinas (NBP) ukol sa Proposed Guidelines on use of Waste-to-Energy Technology / Facility ng DENR

Imahe
Posisyon ng No Burn Pilipinas (NBP) ukol sa Proposed Guidelines on the use of Waste-to-Energy Technology / Facility ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Ayon sa proklamasyon ni Pangulong Duterte sa kanyang inaugural speech (unang SONA), dapat isaalang-alang ng bansa ang paggamit ng teknolohiyang waste-to-energy upang matugunan ang matagal na nating problema pagdating sa basura o municipal solid waste at siya na rin ang nagsabing upang makatulong sa produksyon ng enerhiya. Alinsunod dito, maglalabas ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng mga alituntunin sa paggamit ng waste-to-energy at sa pamamagitan nito, muling binubuhay ng ahensya ang posibilidad ng malawakang pagsunog ng basura (waste incineration) sa ating bansa. Nabalitaan namin sa NBP na tapos na ang pagbuo ng nasabing "guidelines" at hinihintay na lamang na aprubahan at pirmahan ito ni DENR Secretary Roy Cimatu. Ito'y sanhi ng aming lubos na pagkabahala at pagkadismaya. ...

Pahayag mula sa "Mga lokal na samahan sa Syudad ng Navotas"

Imahe
ANONG PROYEKTO ANG ITATAYO SA NAVOTAS COASTAL BAY RECLAMATION? Noong Oktubre 9, 2020, nagkaroon ng public hearing ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ukol sa P57.4 billion reclamation ng 576.7 hectare area sa baybayin ng Brgy. Tanza 1 and 2. Ang layunin daw ng reclamation project ay gawing "major seaport" ang Navotas sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga imprastraktura at samutsaring negosyo na magdadala ng magandang kabuhayan at pag-unlad sa mga mamamayan ng Navotas. Gagawan din daw ng mahabang highway na idudugtong ang Navotas sa tinatayong New Manila International Airport ng San Miguel Corporation (SMC) ni Ramon Ang. Ngunit noong Disyembre 2021, natuklasan na lang ng publiko na may ibang balak si Ramon Ang sa reclamation project. Kaysa mga bagong industriya at negosyo ang itatayo, ang plano ng SMC ngayon ay magtayo ng dambuhalang "Liquified Natural Gas Power Plant" na may kapasidad lumikha ng 6.492 MW (megawatt) ng kuryente. Sa laki ng plantang ito, sasakupin nito an...

Environmental Planning Day of the Philippines tuwing Nobyembre 8, imbes Yolanda, ibang bansa ang pinagbatayan

Imahe
PROKLAMASYON BLG. 847 (nilagdaan Nobyembre 15, 2019) DEKLARASYON NG NOBYEMBRE 8 BILANG “ENVIRONMENTAL PLANNING DAY OF THE PHILIPPINES” Opisyal na idineklara ng pamahalaan ang Proklamasyon 847 na ang Nobyembre 8 ay "Environmental Planning Day of the Philippines" .  Subalit bakit Nobyembre 8? Ayon sa batas, ito’y isinabay nila sa "World Town Planning Day” , subalit mas maganda sana, mula sa sariling karanasan ng bansa ang dahilan ng kanilang pagsasabatas nito. Dahil ang petsang ito’y paalala sa atin sa naganap na bagyong Yolanda noong Nobyembre 8, 2013 kung saan mahigir animnalibong katao ang sinasabing namatay sa Tacloban at mga karatig-pook. Di ba’t dapat talagang may “environmental planning” bilang paghahanda sa anumang kalamidad na mangyari, tulad ng lindol, baha, bagyo, at iba pa. Bakit hindi naisip ng mga mambabatas na sa naganap na Yolanda ang dahilan ng petsang Nobyembre 8? Wala ba silang malay sa ating kasaysayan? O wala silang pakialam? Dapat may pagpaplano tala...

Paano naging 15% ang dating 20% na para sa sosyalisadong pabahay ng maralita?

PAANO NAGING 15% ANG DATING 20% Mula sa Kagawaran ng Pananaliksik ng KPML Nagkaroon na ng pag-amyenda sa Urban Development and Housing Act of 1992 o UDHA. Makikita sa RuLe 1, Section 2, Scope of Application, ng Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB) Memorandum Circular No. 9, Series of 2018 (May 2, 2018): "These guidelines shall apply to developers of main subdivision projects complying with Section 18 of UDHA, or the balanced housing development requirements, as amended by Republic Act No, 10884, otherwise known as "Balanced Housing Development Program Amendments", "by developing an area for a socialized housing project equivalent to at least fifteen percent (15%) of the total subdivision project area or the total subdivision project cost and at least five percent (5%) of condominium project area or condominium project cost, at the option of the developer, as implemented under Board Resolution No. 965, Series of 2017." Isa ang RA 10884 sa mga batas na n...

Mga empleyado ng St. Luke's Medical Center sa BGC, nakatakdang magwelga

Press Release 26 September 2019 MGA EMPLEYADO NG ST. LUKE'S MEDICAL CENTER SA BGC, NAKATAKDANG MAGWELGA Nagtungo ngayon sa tanggapan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga kinatawan ng St. Luke's Medical Center (BGC) Employees Union - Independent upang magsumite ng Notice of Strike laban sa management ng Ospital. Bunsod ito ng pagbalewala ng pamunuan ng St. Luke's sa kautusan ng DOLE para sa pagdaraos ng Certification Election (CE) upang pagpilian ng mga empleyado ang kanilang kinatawan sa Collective Bargaining Negotiation. "Ang kalayaan naming mga empleyado na maghalal ng union na kakatawan sa aming interes bilang mga manggagawa ay niyurakan at nilabag ng management ng St. Luke's nang piliin nitong makipag-negotiate sa Alliance of Filipino Workers (AFW) sa kabila ng malinaw na isinasaad ng batas na hindi ito maaaring gawin kung may petisyon para sa pagdaraos ng isang CE," paliwanag ni Sherwin Miscosa, tagapangulo ng unyon. Naglabas ang DOLE sa p...

Sa alaala ni Kian Delos Santos

Imahe
SA ALAALA NI KIAN DELOS SANTOS Sa alaala ni Kian Delos Santos, 17 taong gulang, na naging biktima ng extrajudicial killing noong Agosto 16, 2017 sa Brgy. 160, Caloocan City. Si Kian ay pinaslang sa araw ng kapistahan ni San Roque, Patron ng Diocese of Kalookan. Isa lamang siya sa 81 katao na pinatay sa loob ng apat na araw (Agosto 15-18, 2017) sa Kalakhang Maynila. Ayon sa talaan, libu-libo na ang mga mamamayang naging biktima ng patuloy na itinataguyod na giyera sa ilegal na droga ng kasalukuyang pamahalaan. Ang marahas at abusadong pamamaraan na ito ay taliwas sa pananampalatayang Kristyano ukol sa dangal ng buhay ng tao bilang nilikhang kalarawan ng Diyos. Nawa ang panandang ito ay magsilbing alaala sa mga buhay na pinaslang, mga asawang nabalo at mga anak na naulila. Nawa'y antigin ng Diyos ang budhi ng mga nasa kapangyarihan upang matigil na ang pagpatay, masimulan na ang paghilom ng mga kababayang biktima ng adiksyon sa droga, at makamtan ang tunay na katarungan para sa lahat...

Kasaysayan ng APOLA

Imahe
Kung babalikan natin ang kasaysayan, may Presidential Proclamation Blg. 704 ang Lupang Arenda sa panahon ni dating pangulong Fidel V. Ramos. Subalit binawi ito sa panahon ni dating Pangulong Arroyo sa pamamagitan ng Executive Order No. 854 na nilagdaan noong Disyembre 4, 2009, kung saan ang pamagat ng batas na ito'y "Revoking Proclamation No. 704, S. 1995 and Proclamation No. 1160, S. 2006, and Establishing a Task Force to Formulate and Implement a Comprehensive Rehabilitation Plan for the Napindan Channel, Lupang Arenda and Manggahan Floodway". Sa ngayon, ang APOLA, na binubuo ng maraming lokal na samahan, ang tanging organisasyong nagsusulong ng katiyakan sa paninirahan sa Lupang Arenda, katuwang at sa tulong ng mga pambansang ahensya ng pamahalaan, mula sa banta ng demolisyon at ebiksyon, dulot ng EO 854. Patuloy ang APOLA sa pakikipaglaban upang matiyak ang pananatili ng mga nakatira sa Lupang Arenda upang dito'y patuloy na manirahan nang may katiyakan sa paninira...